5 Bagay na Dapat Tingnan Kapag Pumipili ng Vitamin C Supplement 

Kapag namimili ng vitamin C supplement, puwede tayong malito sa daming mapagpipilian. May tablets, capsules, syrups, at iba’t ibang formulations.

Pero hindi naman kailangan komplikado ang pagpili.

Lalo na kung para sa pamilya ang bibilhin mo, mahalagang malaman kung anong form ng vitamin C ang taglay nito, kung ano pang nutrients ang kasama, at kung angkop ba ito para sa taong iinom.

Narito ang limang bagay na dapat mong tingnan bago bumili.

Ano ang Dapat Tingnan kapag Pumipili ng Vitamin C Supplement?

Form o Anyo ng Vitamin C

Hindi lahat ng vitamin C supplements ay pare-pareho ng formulation.

Ang ascorbic acid ay isa sa mga karaniwang anyo ng vitamin C. Mayroon ding sodium ascorbate, isang buffered form ng vitamin C na mas mababa ang acidity kumpara sa ascorbic acid. Maaari itong maging konsiderasyon o opsyon kapag pumipili ng vitamin C supplement.

Kaya bago bumili, tingnan ang label para malaman kung anong uri ng vitamin C ang makukuha mo.

Ang Mga Sangkap or Ingredients 

Hindi lang vitamin C ang kailangan ng katawan; may iba pang nutrients na may kanya-kanyang roles sa normal na body functions.

Halimbawa, ang zinc ay isang essential mineral na maaaring makatulong sa normal na immune function, protein at DNA synthesis, wound healing, at normal na paglaki at development, kasama ng tamang pagkain at regular na ehersisyo.

Kaya may mga supplements na pinagsama ang vitamin C at zinc sa iisang formulation, tulad ng Ascorbic Acid (as Sodium Ascorbate) + Zinc (Gen-Cee Plus).

Kung busy ang schedule, lalo na ang mga may trabaho, gawaing-bahay, at iba pa, maaaring maging bahagi ng pang araw-araw na routine ang pag-inom ng vitamin C supplement, kasabay ng proper diet at exercise.

Dosage

Pagdating sa vitamins, hindi ibig sabihin na mas marami ang iniinom ay mas mabuti.

Tingnan kung gaano karaming vitamin C at iba pang nutrients ang nasa bawat serving para sa iyo o sa inyong anak.

Kung hindi sigurado kung ano ang angkop para sa iyo o sa inyong anak, maaaring kumonsulta sa doktor o sa pharmacist.

Label ng Produkto 

Bago bumili, huwag lang tingnan ang packaging at presyo. 

Tingnan din kung kumpleto at malinaw ang impormasyon sa label ng produkto, gaya ng mga sangkap, dami ng bawat nutrient, tamang paggamit, at iba pang mahahalagang detalye.

Ang Iinom ng Supplement or Supplement User

Hindi porke’t bagay sa adult ang isang supplement, ibig sabihin ay bagay na rin ito sa bata. 

Kung para sa anak, tingnan ang edad, nutritional needs, at recommended dosage na nakalagay sa label. 

Para naman sa adults, maaari ring isaalang-alang ang kanilang diet, nutritional needs, at preferred form ng supplement—capsule, syrup, at iba pa.

Gabay sa Pagpili

Sa pagpili ng vitamin C supplement, huwag lang tumingin sa brand o sa packaging. Mahalaga ring basahin ang label at ang formulation, ang iba pang nutrients na kasama, ang dosage, at kung angkop ba ito para sa taong iinom.

Kung naghahanap ka ng vitamin C supplement na may zinc, ang Ascorbic Acid (as Sodium Ascorbate) + Zinc (Gen-Cee Plus) ay gumagamit ng sodium ascorbate at may kasama rin itong zinc.

At kahit makakatulong ang supplements para madagdagan ang inyong nutrient intake, hindi nito pinapalitan ang wastong nutrisyon at malusog na pamumuhay.

ASC Ref. Code:


T0049N092526G 


Discover more from Blissful Bloom

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply